ina

sa iyong sinapupunan ako’y iyong kinanlong

siyam na buwan na punong puno ng pagmamahal

iniluwal sa mundong magulo

ngunit sa iyong piling, lahat ay tahimik

ang iyong buhay handang ibigay

sa anak na minsa’y ika’y itinakwil

ngunit wala akong narinig

wala akong nakitang luhang tumagas

at dahil sa iyong pag-ibig ako’y nanumbalik

hindi man namutawi sa iyong bibig

ang mga salitang gusto kong marinig

ramdam ng puso ko na ako’y iyong mahal

na ako’y iyong pinagmamalaki

sa mundong mapaghusga

ikaw ang aking bida

salamat sa ‘yo, aking ina

ikaw ay tunay ngang dakila

alam kong hindi mo rin madalas marinig

ang mga salitang nagbibigay sa yo ng panatag

ngunit gusto ko na iyong mabatid

na ika’y aking mahal, aking ina

Advertisements